2008 na pagsusulit · 100 tanong
Lahat ng 100 Civics Questions (2008) — Libre
Buong 2008 bank kung nag-file ng N-400 bago ang Oktubre 20, 2025. Libreng audio, walang account — mag-simulate kapag handa.
100 tanong sa pahinang ito
- Libre · Walang sign-up · Magsimula sa ilang segundo
- Alamin kung aling bank ang aaralin: N-400 filing date (2008 vs 2025) o 65/20
- Opisyal na USCIS questions · Audio · Interview simulation
- Mag-practice sa 10+ wika — hindi English-only
Hindi kaakibat o sinusuportahan ng USCIS o ng gobyerno ng U.S. Ang mga tanong ay para sa pag-aaral lamang.
Tanong 1
Ano ang pinakamataas na batas ng bansa?
- • ang Konstitusyon
Tanong 2
Ano ang Ginagawa ng Konstitusyon?
- • itinatatag ang pamahalaan
- • binibigyan ng kahulugan ang pamahalaan
- • nagpoprotekta sa mga basikong karapatan ng mga Amerikano
Tanong 3
Ang ideya ng sariling-pamamahala ay nasa unang tatlong salita ng Konstitusyon. Ano ang mga salitang ito?
- • Tayong mga Tao
Tanong 4
Ano ang isang susog?
- • isang pagbabago (sa Konstitusyon)
- • bilang karagdagan (sa Konstitusyon) 1
Tanong 5
Ano ang tinatawag na unang sampung susog sa Konstitusyon?
- • ang Batas sa mga Karapatan
Tanong 6★ 65/20
Ano ang isang karapatan o kalayaan mula sa Unang Susog?
- • pagsasalita
- • relihiyon
- • pagtitipon
- • pamamahayag
- • magpetisyon sa pamahalaan
Tanong 7
Ilang susog mayroon ang Konstitusyon?
- • dalawampu’t-pito (27)
Tanong 8
Ano ang ginagawa ng Deklarasyon ng Kalayaan?
- • ipinahayag ang ating kalayaan (mula sa Great Britain)
- • idineklara ang ating kalayaan (mula sa Great Britain)
- • sinabi na ang Estados Unidos ay malaya (mula sa Great Britain)
Tanong 9
Ano ang dalawang karapatan sa Deklarasyon sa Kalayaan?
- • buhay 2
- • kalayaan
- • la paghahangad ng kaligayahan
Tanong 10
Ano ang kalayaan sa relihiyon?
- • Maaari kang magpraktis ng anumang relihiyon, o hindi magpraktis ng relihiyon
Tanong 11★ 65/20
Ano ang sistema ng ekonomiya sa Estados Unidos?
- • kapitalistang ekonomiya
- • ekonomiya ng pamiliha
Tanong 12
Ano ang “pamamayani ng batas”?
- • Ang bawat isa ay dapat sumunod ng batas.
- • Ang mga lider ay dapat sumunod sa batas.
- • Ang pamahalaan ay dapat sumunod sa batas.
- • Walang hindi sakop ng batas.
Tanong 13★ 65/20
Sabihin ang isang sangay o bahagi ng pamahalaan.
- • Kongreso
- • pambatasan
- • Pangulo
- • ehekutibo
- • mga korte
- • panghukuman
Tanong 14
Ano ang pumipigil sa isang sangay ng pamahalaan na maging masyadong makapangyarihan?
- • mga pagsusuri at pagbalanse
- • paghihiwalay ng mga kapangyarihan
Tanong 15
Sino ang namamahala sa sangay na ehekutibo?
- • ang Pangulo
Tanong 16
Sino ang gumagawa ng mga pederal na batas?
- • Kongreso
- • Senado at Kapulungan (ng mga Kinatawan)
- • (Estados Unidos o pambansang) lehislatura
Tanong 17★ 65/20
Ano ang dalawang bahagi ng Kongreso ng Estados Unidos?
- • the Senado at Kapulungan (ng mga Kinatawan)
Tanong 18
Ilang Senador ng Estados Unidos ay mayroon?
- • isang daan (100) 4
Tanong 19
We elect a U.S. Senator for how many years?
- • Six (6)
Tanong 20★ 65/20
Sino ang isa sa mga Senador ng inyong estado ngayon?
- • Ang mga sagot ay magkakaiba. [Ang mga residente ng District of Columbia at mga residente ng mga teritoryo ng Estados Unidos ay dapat sumagot na ang D.C. (o ang teritoryo kung saan nakatira ang aplikante) ay walang mga Senador ng Estados Unidos.]
Tanong 21
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay may ilang bumobotong miyembro?
- • apat na raan tatlumpu’t-lima (435)
Tanong 22
We elect a U.S. Representative for how many years?
- • Two (2)
Tanong 23
Sabihin kung sino ang inyong Kinatawan ng Estados Unidos.
- • Ang mga sagot ay magkakaiba. [Ang mga residente ng mga teritoryong may mga hindi bumobotong Delegado o Residenteng Komisyoner ay maaaring magbigay ng pangalan ng Delegado o Komisyoner.Katanggap-tanggap din sa anumang pahayag na ang teritoryo ay walang (bumobotong) mga Kinatawan sa Kongreso.] 5
Tanong 24
Sino ang kumakatawan ng Senador ng Estados Unidos?
- • lahat ng mga tao ng estado
Tanong 25
Bakit ang ilang estado ay may mas maraming Kinatawan kaysa ibang mga estado?
- • (dahil sa) populasyon ng estado
- • (dahil) maraming tao sa kanila
- • (dahil) mas maraming tao sa ilang estado
Tanong 26
We elect a President for how many years?
- • Four (4)
Tanong 27★ 65/20
In what month do we vote for President?
- • November
Tanong 28★ 65/20
Ano ang pangalan ng Pangulo ng Estados Unidos ngayon?
- • Bisitahin ang uscis.gov/citizenship/testupdates para sa pangalan ng Presidente ng Estados Unidos.
Tanong 29
Ano ang pangalan ng Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos ngayon?
- • Bisitahin ang uscis.gov/citizenship/testupdates para sa pangalan ng Bise Presidente ng Estados Unidos. 6
Tanong 30
Kung ang Pangulo ay hindi na nakakapaglingkod, sino ang nagiging Pangulo?
- • ang Pangalawang Pangulo
Tanong 31
Kung ang Pangulo at ang Pangalawang Pangulo ay hindi na nakakapaglingkod, sino ang nagiging Pangulo?
- • ang Ispiker ng Kapulungan
Tanong 32
Sino ang Punong Kumander ng militar?
- • ang Pangulo
Tanong 33
Sino ang pumipirma ng mga panukalang-batas upang maging mga batas?
- • ang Pangulo
Tanong 34
Sino ang nagbebeto sa mga panukalang-batas?
- • ang Pangulo
Tanong 35
Ano ang ginagawa ng Gabinete ng Pangulo?
- • nagpapayo sa Pangulo
Tanong 36
Ano ang dalawang posisyon na nasa antas ng Gabinete?
- • Kalihim ng Agrikultura
- • Kalihim ng Komersiyo
- • Kalihim ng Depensa
- • Kalihim ng Edukasyon
- • Kalihim ng Enerhiya
- • Kalihim ng mga Palingkurang Pangkalusugan at Pantao
- • Kalihim ng Kapanatagan ng Bansa (Homeland Security)
- • Kalihim ng Pabahay at Pagpapaunlad ng Lunsod
- • Kalihim ng Interyor
- • Kalihim ng Paggawa
- • Kalihim ng Estado
- • Kalihim ng Transportasyon
- • Kalihim ng Tesorerya
- • Kalihim ng mga Gawain ng mga Beterano
- • Abugado Heneral
- • Pangalawang Pangulo
Tanong 37
Ano ang ginagawa ng sangay na panghukuman?
- • nirerepaso ang mga batas
- • ipinaliliwanag ang mga batas
- • nilulutas ang mga pagtatalo (hindi pagkakasundo)
- • ipinapasiya kung ang isang batas ay labag sa Konstitusyon
Tanong 38
Ano ang pinakamataas na hukuman sa Estados Unidos?
- • ang Korte Suprema
Tanong 39
Ilan ang mga mahistrado sa Korte Supreme?
- • Bisitahin ang uscis.gov/citizenship/testupdates para sa bilang ng mga mahistrado sa Korte Suprema.
Tanong 40
Sino ang Punong Mahistrado ng Estados Unidos ngayon?
- • Bisitahin ang uscis.gov/citizenship/testupdates para sa pangalan ng Punong Mahistrado ng Estados Unidos.
Tanong 41
Sa ilalim ng ating Konstitusyo, ang ilang kapangyarihan ay nasa pederal na pamahalaan. Ano ang isang kapagyarihan ng pederal na pamahalaan?
- • maglimbag ng pera
- • magdeklara ng digmaan
- • bumuo ng isang armi
- • gumawa ng mga kasunduan
Tanong 42
Sa ilalim ng ating Konstitusyon, ang ilang kapangyarihan ay nasa mga estado. Ano ang isang kapangyarihan ng mga estado?
- • magkaloob ng pag-aaral at edukasyon
- • magkaloob ng proteksiyon (pulisya) 9
- • magkaloob ng kaligtasan (mga kagawaran ng bumbero)
- • magbigay ng lisensiya para sa pagmamaneho
- • mag-aproba ng pagsosona at paggamit ng lupa
Tanong 43
Sino ang Gobernador na iyong estado ngayon?
- • Ang mga sagot ay magkakaiba. [Ang mga residente ng District of Columbia ay dapat sumagot na ang D.C. ay walang Gobernador.]
Tanong 44★ 65/20
Ano ang kapital ng iyong estado?
- • Ang mga sagot ay magkakaiba. [Ang mga residente ng District of Columbia ay dapat sumagot na ang D.C. ay hindi isang estado at walang kapital. Ang mga residente ng mga teritoryo ng Estados Unidos ay dapat sabihin ang kapital ng teritoryo.]
Tanong 45★ 65/20
Ano ang dalawang pangunahing partidong pampulitika sa Estados Unidos?
- • Democratic at Republican
Tanong 46
Ano ang partidong pampulitika ng Pangulo ngayon?
- • Bisitahin ang uscis.gov/citizenship/testupdates para sa partidong pampulitika ng Presidente.
Tanong 47
Ano ang pangalan ng Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan?
- • Bisitahin ang uscis.gov/citizenship/testupdates para sa pangalan ng Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Tanong 48
May apat na susog sa Konstitusyon tungkol sa kung sino ang makakaboto. Ilarawan ang isa sa mga ito.
- • Mga mamamayang labingwalong (18) taong gulang at mas matanda (ay makakaboto).
- • Hindi mo kailangang magbayad (ng isang poll tax) upang makaboto.
- • Sinumang mamamayan ay makakaboto. (Ang mga babae at mga lalaki ay makakaboto.)
- • Isang lalaking mamamayan ng anumang lahi (ay makakaboto).
Tanong 49★ 65/20
Ano ang isang responsibilidad na para lamang sa mga mamamayan ng Estados Unidos?
- • magsilbi sa isang hurado
- • bumoto sa isang pederal na halalan
Tanong 50
Sabihin ang isang karapatan na para lamang sa mga mamamayan ng Estados Unidos.
- • bumoto sa isang pederal na halalan
- • kumandidato para sa pederal na katungkulan
Tanong 51
Ano ang dalawang karapatan ng bawat isang naninirahan sa Estados Unidos?
- • kalayaang magpahayag
- • kalayaang magsalita
- • kalayaang magtipun-tipon 11
- • kalayaang magpetisyon sa pamahalaan
- • kalayaang mamili ng relihiyon
- • karapatang magdala ng armas
Tanong 52
Katapatan sa ano ang ipinapakita kapag sinasabi natin ang Pledge of Allegiance?
- • sa Estados Unidos
- • sa bandera
Tanong 53
Ano ang isang pangako na ginagawa mo kapag ikaw ay naging mamamayan ng Estados Unidos?
- • isuko ang katapatan sa ibang mga bansa
- • ipagtanggol ang Konstitusyon at mga batas ng Estados Unidos
- • sundin ang mga batas ng Estados Unidos
- • maglingkod sa militar ng Estados Unidos (kung kailangan)
- • maglingkod (gumawa ng mahalagang trabaho para sa bansa (kung kailangan)
- • maging matapat sa Estados Unidos
Tanong 54★ 65/20
Ilang taon kailangan ang mga mamamayan upang makaboto para sa Pangulo?
- • labingwalong (18) taong gulang at mas matanda
Tanong 55
Ano ang dalawang paraan na ang mga Amerikano ay maaaring lumahok sa kanilang demokrasya?
- • bumoto
- • sumapi sa isang partidong pampulitika
- • tumulong sa isang kampanya
- • sumapi sa isang sibikong grupo
- • sumapi sa isang grupong pangkomunidad
- • bigyan ang isang inihalal na opisyal ng iyong opinyon sa isang isyu
- • tawagan ang mga Senador at Kinatawan
- • pampublikong suportahan o salungatin ang isang isyu o patakaran
- • kumandidato para sa katungkulan
- • sumulat sa isang pahayagan
Tanong 56★ 65/20
Ano ang huling araw na maaari mong ipadala ang pederal na income tax forms?
- • Abril 15
Tanong 57
Kailangan dapat magparehistro ang lahat ng mga lalaki sa Selective Service?
- • sa edad na labingwalo (18)
- • sa pagitan ng labingwalo (18) at dalawamp’t-anim (26)
Tanong 58
Ano ang isang dahilan kung bakit pumunta sa Amerika ang mga colonist?
- • kalayaan
- • kalayaang pampulitika
- • kalayaan sa relihiyon
- • pagkakataong pangkabuhayan
- • ipraktis ang kanilang relihiyon
- • tumakas sa pag-uusig
Tanong 59
Sino ang nanirahan sa Amerika bago dumating ang mga Europeo?
- • Mga Amerikanong Indiyan
- • Mga Katutubong Amerikano
Tanong 60
Anong grupo ng mga tao ang dinala sa Amerika at ipinagbili bilang mga alipin?
- • Mga Aprikano
- • mga tao mula sa Aprika
Tanong 61
Bakit nilabanan ng mga colonist ang British?
- • dahil sa mga matataas na buwis (pagbubuwis nang walang pagkatawan)
- • dahil ang armi ng British ay tumigil sa kanilang mga bahay (kumakain, naninirahan)
- • dahil wala silang sariling pamahalaan
Tanong 62
Sino ang sumulat ng Deklarasyon ng Kalayaan?
- • (Thomas) Jefferson
Tanong 63
Kailan ipinagtibay ang Deklarasyon ng Kalayaan? 14
- • Hulyo 4, 1776
Tanong 64
May 13 orihinal na estado. Magsabi ng tatlo.
- • New Hampshire
- • Massachusetts
- • Rhode Island
- • Connecticut
- • New York
- • New Jersey
- • Pennsylvania
- • Delaware
- • Maryland
- • Virginia
- • North Carolina
- • South Carolina
- • Georgia
Tanong 65
Ano ang nangyari sa Kombensiyon para sa Konstitusyon?
- • Ang Konstitusyon ay isinulat.
- • Isinulat ng mga Tagapagtatag na Ama ang Konstitusyon.
Tanong 66
Kailan isinulat ang Konstitusyon? 15
- • 1787
Tanong 67
Ang mga Pederalistang Papel ay sumuporta sa pagpasa ng Konstitusyon. Tukuyin ang isa sa mga sumulat.
- • (James) Madison
- • (Alexander) Hamilton
- • (John) Jay
- • Publius
Tanong 68
Ano ang isang bagay na sikat si Benjamin Franklin?
- • diplomat ng Estados Unidos
- • pinakamatandang miyembro ng Kombensiyon para sa Konstitusyon
- • unang Postmaster General ng Estados Unidos
- • sumulat ng “Poor Richard’s Almanac”
- • sinimulan ang mga unang libreng aklatan
Tanong 69
Sino ang “Ama ng Ating Bansa”?
- • (George) Washington
Tanong 70★ 65/20
Sino ang unang Pangulo?
- • (George) Washington
Tanong 71
Anong teritoryo ang binili ng Estados Unidos mula sa France noong 1803?
- • ang Louisiana Territory
- • Louisiana
Tanong 72
Magsabi ng isang digmaan na nakipaglaban ang Estados Unidos noong mga taon ng 1800.
- • Digmaan ng 1812
- • Digmaang Meksikano-Amerikano
- • Digmaang Sibil
- • Digmang Espanyol-Amerikano
Tanong 73
Tukuyin ang digmaan ng Estados sa pagitan ng Hilaga at Timog.
- • ang Digmaang Sibil
- • ang Digmaan sa pagitan ng mga Estado
Tanong 74
Sabihin ang isang problema na humantong sa Digmaang Sibil.
- • pang-aalipin
- • mga dahilang pangkabuhayan
- • mga karapatan ng estado
Tanong 75★ 65/20
Ano ang isang mahalagang bagay na ginawa ni Abraham Lincoln?
- • pinalaya ang mga alipin (Proklamasyon ng Paglaya)
- • iniligtas(o pinangalagaan) ang Union
- • pinamunuan ang Estados Unidos sa Digmaang Sibil
Tanong 76
Ano ang ginawa ng Proklamasyon ng Paglaya?
- • pinalaya ang mga alipin
- • pinalaya ang mga alipin sa Confederacy
- • pinalaya ang mga alipin sa mga estadong Confederate
- • pinalaya ang alipin sa karamihan ng mga estado sa Timog
Tanong 77
Ano ang ginawa ni Susan B. Anthony?
- • nakipaglaban para sa mga karapatan ng mga babae
- • nakipaglaban para sa mga karapatang sibil
Tanong 78★ 65/20
Sabihin ang isang digmaan na nakipaglaban ang Estados Unidos noong 1900s. 18
- • Unang Digmaang Pandaigdig
- • Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- • Digmaan sa Korea
- • Digmaan sa Vietnam
- • Digmaan sa (Persian) Gulf
Tanong 79
Sino ang Pangulo noong Unang Digmaang Pandaigdig?
- • (Woodrow) Wilson
Tanong 80
Sino ang Pangulo sa panahon ng Great Depression at Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- • (Franklin) Roosevelt
Tanong 81
Sino ang nakalaban ng Estados Unidos noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- • Japan, Germany, at Italy
Tanong 82
Bago siya naging Pangulo, si Eisenhower ay isang heneral. Sa anong digmaan siya nakipaglaban?
- • Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Tanong 83
Sa panahon ng Cold War, ano ang pangunahing inaalala ng Estados Unidos?
- • Komunismo
Tanong 84
Anong kilusan ang nagtangkang tapusin ang diskriminasyon sa lahi?
- • mga karapatang sibil (kilusan)
Tanong 85★ 65/20
Ano ang ginawa ni Martin Luther King, Jr.?
- • nakipaglaban para sa mga karapatang sibil
- • kumilos para sa pagkakapantay-pantay para sa lahat ng mga Amerikano
Tanong 86
Anong malaking pangyayari ang nangyari noong Setyembre 11, 2001, sa Estados Unidos?
- • Inatake ng mga terorista ang Estados Unidos.
Tanong 87
Magsabi ng isang tribo ng Amerikanong Indiyan sa Estados Unidos. [Ang mga Opisyal USCIS ay bibigyan ng isang listahan ng mga tribo ng Amerikanong Indiyan na kinikilala ng pederal na pamahalaan.]
- • Cherokee
- • Navajo
- • Sioux
- • Chippewa
- • Choctaw
- • Pueblo
- • Apache
- • Iroquois
- • Creek
- • Blackfeet
- • Seminole
- • Cheyenne
- • Arawak
- • Shawnee
- • Mohegan
- • Huron
- • Oneida
- • Lakota
- • Crow
- • Teton
- • Hopi
- • Inuit Integrated Civics Geography PINAGSAMANG SIBIKA Heograpiya
Tanong 88
Magsabi ng isa sa dalawang pinakamahabang ilog sa Estados Unidos.
- • Missouri (River)
- • Mississippi (River)
Tanong 89
Anong karagatan ang nasa West Coast ng Estados Unidos?
- • Pacific (Ocean)
Tanong 90
Anong karagatan ang nasa East Coast ng Estados Unidos?
- • Atlantic (Ocean)
Tanong 91
Magsabi ng isang teritoryo ng Estados Unidos.
- • Puerto Rico
- • U.S. Virgin Islands
- • American Samoa
- • Northern Mariana Islands
- • Guam
Tanong 92
Magsabi ng isang estado na naghahangga sa Canada.
- • Maine
- • New Hampshire
- • Vermont
- • New York 21
- • Pennsylvania
- • Ohio
- • Michigan
- • Minnesota
- • North Dakota
- • Montana
- • Idaho
- • Washington
- • Alaska
Tanong 93
Magsabi ng isang estado na naghahangga sa Mexico.
- • California
- • Arizona
- • New Mexico
- • Texas
Tanong 94★ 65/20
Ano ang kapital ng Estados Unidos?
- • Washington, D.C.
Tanong 95★ 65/20
Nasaan ang Istatwa ng Kalayaan?
- • New York (Harbor)
- • Liberty Island [Tinatanggap din ang New Jersey, malapit sa New York City, at nasa Hudson (River).] Integrated Civics 22
Tanong 96
Bakit may 13 guhit ang bandera?
- • dahil may 13 orihinal na colony
- • dahil ang mga guhit ay kumakatawan sa mga orihinal na colony
Tanong 97★ 65/20
Bakit may 50 bituin ang bandera?
- • dahil may isang bituin para sa bawat estado
- • dahil ang bawat bituin ay kumakatawan sa isang estado
- • dahil may 50 estado
Tanong 98
Ano ang tawag sa pambansang awit?
- • The Star-Spangled Banner Integrated Civics Holidays Mga Piyesta Opisyal
Tanong 99★ 65/20
Kailan tayo nagdiriwang ng Araw ng Kalayaan?
- • Hulyo 4
Tanong 100
Magsabi ng dalawang pambansang Piyesta Opisyal ng Estados Unidos.
- • Bagong Taon
- • Kaarawan ni Martin Luther King, Jr.
- • Presidents’ Day
- • Memorial Day
- • Araw ng Kalayaan
- • Araw ng Manggagawa
- • Columbus Day
- • Araw ng mga Beterano
- • Araw ng Pasasalamat
- • Pasko 24
Buksan ang interactive na praktis · Hanapin ang bersyon ko · Mga update · Lahat ng landing ng tanong · Mga gabay